Wala pa umanong plano para sa Valentine's Day ang isa sa mga tinitiliang miyembro ng Philippine football team na si Phil Younghusband, isang Filipino-British.
Ngunit ibinahagi ng Azkals forward na ang kaniyang dream date ay kumain sa isang magandang restaurant, maglakad-lakad at gawin ang kung anuman na gusto ng kaniyang ka-date.
Ngunit dahil aniya sa abalang schedule, ang kaniyang ka-date na lang ang maghahanap sa kaniya sa halip na siya ang maghanap ng ka-date.
Biro pa nito, ang mga babaeng interesado ay maaari siyang tawagan dahil single naman daw siya.
Samantala, ibinunyag ngayon ni Younghusband kung sino ang kaniyang mga crushes sa mundo ng showbiz.
Aniya, gusto niyang makilala sina KC Concepcion at Angel Locsin.
Palagi niya raw nakikita ang dalawa sa billboards at nasanay na siya ngunit maganda at attractive raw sina KC at Angel.
Ngayong nakapirma na ng kontrata ang Azkals sa TV network kung saan naman nagtatrabaho ang dalawang aktres, excited na ang football star na makilala sa personal ang dalawang aktres.
0 comments:
Post a Comment